Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng bawat pangungusap. Kung mali, isulat ang salitang nagpamali rito bago ang bilang.
__________ 1. Tinawag na mga Thomasites ang mga sundalong Amerikanong naging mga unang guro ng mga Pilipino sa mga pampublikong paaralan.
__________ 2. Upang makatulong na maiwasan ang pagpasok ng mga epidemya o nakahahawang sakit sa Pilipinas, itinatag ang Board of Public Health.
__________ 3. Nagpagawa ang mga Amerikano ng mga lansangan at tulay na higit na nagpabilis ng pagdadala ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. __________ 4. Upang maiwasto ang mga pamahiin at maling paniniwala ng mga Pilipino kaugnay sa kalusugan, itinatag ang Department of Public Instruction.
__________ 5. Pensionado ang tawag sa mga Pilipinong binigyan ng mga Amerikano ng pagkakataong makapag-aral sa Amerika.
__________ 6. Ang pagtuturo ng Protestantismo ang pangunahing layunin ng edukasyong Amerikano.
__________ 7. Ang wikang Espanyol ang pangunahing wika sa pagtuturo sa mga paaralan sa panahon ng kolonyalismong Amerikano.
__________ 8. Sa ilalim ng pamahalaang demokratiko malayang nakapipili ang mga tao ng mga mamumuno sa pamahalaan sa pamamagitan ng halalan.
__________ 9. Pinahaba ang mga riles ng tren upang pagdugtungin ang mga malalayong lugar sa Pilipinas.
__________ 10. Dumating sa Pilipinas ang mga sundalong Amerikanong nagsilbing mga unang guro lulan ng barkong McCulloch.