1. Ano ang kahulugan sa pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na Spiderman) na, “With great power comes great responsibility”?
Mas mabigat ang gawain ng taong maraming tungkulin❌
Kung may karapatan, ipaglaban mo❌
Maganda ang pagkakaroon ngl kapangyarihan❌
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral✔️
2.Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ipinahihiwatig nito?
Nakabatay ito sa Likas na Batas Moral✔️
Nakasalalay ito sa malayang isip ng tao❌
Nakasalalay ito sa taglay na kilos-loob ng tao❌
Nagkakaroon ito ng epekto sa sarili at sa mga ugnayan kung hindi ito tinutupad❌
3. Si Mang Danilo ay napatalsik sa kaniyang trabaho dahil hindi niya sinunod ang mga patakaran ng kanilang pagawaan. Nilabag ba ang karapatan niyang maghanapbuhay?
Oo, dahil mawalan ng ikabubuhay ang kaniyang pamilya.❌
Oo, dahil may karapatan rin siyang magpahayag sa kaniyang opinyon sa trabaho.❌
Hindi, dahil may tungkulin rin siyang sumunod sa mga patakaran at layunin sa trabaho.✔️
Hindi, dahil matigas ang kaniyang ulo at napahihirapan niya ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho.❌
4. Bakit kailangan pang kumuha ng passport o visa bago makapunta sa ibang bansa gayong may karapatan naman tayong makapunta sa ibang lugar?
Dahil dapat may proteksiyon ang manlalakbay at ang bansang pupuntahan✔️
Dahil kailangan ang listahan sa mga taong umaalis at papasok sa isang bansa❌
Dahil dapat malaman ng pamahalaan kung saan-saang mga bansa ka pumupunta❌
Dahil nararapat magbayad ng buwis ang mga taong nais maglakbay sa ibang bansa❌
5. Ang sumusunod ay nagpapakita na kabuluhan sa paggawa ng tungkulin maliban sa:
Nag-aaral si Miguel nang mabuti at nakikinig sa talakayan upang matuto❌
Ginagawa ni Arnel ang gawaing bahay upang makapagpahinga si inay❌
Inaayos ni Yuri ang sirang gripo ng tubig upang hindi maaksaya ito❌
Naglilinis si Hannah sa paaralan upang purihin ng kaniyang guro✔️
6. Ano ang tinutukoy ng kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay?
Tungkulin❌
Karapatan✔️
Karunungan❌
Dignidad❌
7. Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na mapangalagaan ang kaniyang sarili?
Si Ed na nagiging magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa pag-aaral.❌
Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa paligsahan.❌
Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging masaya palagi.❌
Si Jean na naging maingat sa kaniyang mga posts sa social media upang mapangalagaan ang kaniyang pagkatao.✔️
8. “May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan.” Ano ang ibig sabihin nito?
Tungkulin nating pangalagaan ang karapatan upang igalang tayo ng kapuwa❌
Tungkulin nating alagaan ang karapatan ng kapuwa upang makatulong sa kanila❌
Tungkulin nating isagawa ang ating gawain ayon sa alam nating nararapat dahil tayo ay may karapatan at dignidad bilang tao❌
Tungkulin nating pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng ating obligasyong gawin o hindi gawin ang isang bagay ayon sa Likas na Batas Moral✔️
9. Labingwalong taong gulang na si Jade at nag-aaral pa. Ayon sa batas, maaari ng makapag-asawa ang edad 18 pataas. Pero hindi pa rin siya pinahihintulutang mag-asawa. Ano ang malalim na dahilan ng mga magulang niya?
Hindi pa siya handa sa mga responsibilidad sa buhay may asawa at nararapat na mahubog muna niya sa sarili ang mapanagutang pagpapasiya.✔️
Hindi pa siya nakapagtapos ng pag-aaral at hindi pa niya naabot ang kaniyang pangarap sa buhay.❌
May obligasyon pa siya na mapaaral ang mga kapatid at maipaayos ang kanilang bahay.❌
Ayaw ng kaniyang mga magulang sa mapapangasawa niya.❌
10. Si Omar ay balak magtinda sa kantina ng paaralan. Ano ang mas mabuting itinda niya?