Sagot :
Answer:
Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming tao. Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga pangkat etniko. Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga Saxon, isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan.
Answer:
Kahulugan

Halimbawa:
1. Institusyon - Ito ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
Halimbawa: paaralan, simbahan, pamilya
2. Social Group - Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
Halimbawa: Primary - malalapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal gaya ng pamilya at kaibigan, Secondary - mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa gaya ng amo at manggagawa.
3. Status - Posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan.
4. Roles - Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal.