Answer:
edukasyong di pormal
Explanation:
Ang malawak na kaalaman ng mga unang Pilipino ay hango sa edukasyong di-pormal. Di-pormal sapagkat walang istruktura ng pormal na edukasyon na alam natin ngayon. Walang paaralang pinapasukan at mga asignaturang pinag-aaralan. Gayunpaman, mataas ang antas ng marunong bumasa at sumulat sa mga sinaunang Pilipino. Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay mayroon nang edukasyon ang ating mga ninuno. Ang mga bata, lalaki man o babae ay nag-aaral sa sarili nilang tahanan kasama ang kanilang mga magulang bilang kanilang mga guro. Sila ay tinuturuang magbasa, magsulat, magbilang at manampalataya. Hindi lamang mga araling pang-akademiko ang itinutiro sa kanila.