Panuto: Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap. Isulat kung ito ay pamaraan, panlunan. o pamanahon. 1. Masigasig na ipinagpapatuloy sa isla ng mga Ivatan ang kanilang nakagisnang kaugalian. 2. Matapat na nakikitungo ang mga naninirahan sa Batanes sa kanilang kapwa. 3. Payapang namumuhay ang mga mamamayan dito. 4. Nagsisismba ang karamihan sa kanila tuwing Linggo. 5. Sa mga burol nagtutungo ang mga turista upang mamasyal. 6. Malikhaing gumagawa ng mga basket, sandalyas, at vakul ang mga Ivatan. 7. Nanlalambat sa dagat ang masisispag na mangingisda rito. 8. Nagtatanim sa burol ang ilang magsasaka sa Batanes. 9. Nakamamangha rin ang mabubuti nilang ugali. 10. Pinangangalagaang mabuti ng mga Ivatan ang kanilang kapaligiran.