Sagot :
Answer:
KABIHASNANG HITTITE
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-Unlad at Pagbagsak
Pagkakatuklas ng bakal.
Nanatiling lihim sa loob ng 200
taon ang kaalaman ng mga Hittite
sa paggawa ng mga sandata mula
sa bakal. Natuklasan lamang ito
ng ibang pangkat sa rehiyon nang
masakop at tuluyang bumagsak
ang mga Hittite noong 1200 B.C.
Pagkilala at paggalang sa iba’t
ibang wika
Pagkakaroon ng titulo ng lupa at
mga talaan nito
Pag-imbentaryo ng mga lupain at
pananim na naging batayan ng
pagbubuwis ng ari-ariang kaugnay
sa lupa
Pagtatayo ng mga istruktura na
ginagamit bilang sandigan at
tanggulan
Paglililok ng mga diyos, diyosa, at
mga halimaw na may pakpak
Pag-unlad:
Pangunahing dahilan ng kanilang
pag-unlad bilang isang pangkat ay
ang pagkakatuklas nila ng bakal.
Superior na mga sandata ang
kanilang nagawa mula sa bakal na
naging dahilan ng mabilis nilang
pananakop sa ibang mga lupain.
Nakatulong nang malaki sa
kanilang pag-unlad ang kanilang
sistema ng pagbabatas. Hindi ito
kasing-lupit ng mga batas ni
Hammurabi subalit naging maayos
ang pagpapatakbo ng imperyo na
nagbigay-daan sa pag-unlad ng
kalakalan nito.
Pagbagsak:
Maraming pribilehiyo ang mga
kamag-anak ng hari na kadalasang
naaabuso.
Pakikipag-alyansa ng mga Hittite
sa mga Egyptian na naging dahilan
ng paghihimagsik ng mga kaalyado
nito sa silangan at kanlurang
bahagi ng imperyo. Salik din dito
ang paglawak ng kapangyarihan
ng mga Griyego na nagbunsod sa
pagdating ng mga tribo mula sa
palibot ng Dagat Aegean sa
hilagang bahagi ng Imperyong
Hittite. Isa sa mga tribong ito, ang
mga Mitas ng Phyrrgia, ay lumusob
at sinunog ang Hattusas noong
1200 B.C.
Nanatiling nakatayo ang ilang mga
lungsod-estado ng mga Hittite
nang 500 taon. Naitatag ang
Carchemish bilang kabisera sa
silangan. Ngunit nasakop ito noong
717 B.C. ni Sargon II ng Assyria.