2.
Makasaysayan at pinahahalagahan ang Rizal Park. Ito ay nagsilbing huling
hantungan ni Rizal, ang ating pambansang bayani, sapagkat dito siya binaril at pinatay
noong Disyembre 30,1896 (panahon pa noon ng mga Espanyol). Nirerespeto ang
makasaysayang pook na ito. Mataas ang kalidad ng seguridad sa lugar na ito. May mga
sundalo mula sa ating militar na nakatayo sa tabi ng monumento upang ipakita na tunay na
nirerespeto at pinahahalagahan ang monumentong ito upang maiwasan ang paninira ng
mga masasamang
loob sa pook na ito. Ipinagtanggol ng mga mamamayan ang Rizal Park.Isang halimbawa
nito ang isyu isang gusali na makikita sa likod ng monumento. Sagabal ito sa mga turista
sapagkat tuwing kumukuha sila ng larawan ng Rizal Park ay parati naroroon ang imahe ng
Torre de Manila o kumbaga nagiging "photo bomber", kung kaya't nagreklamo ang mga
taga-Maynila na nasisira ang magandang imahe ng makasaysayang pook na ito dahil gusto
lang nila ang imahe ng monumento at wala nang iba. Sinisisi rin nila ang lokal na
pamahalaan ng Maynila ukol sa pagapruba ng permiso upang ipatayo ang Torre de Manila
at ngayon ay nakasisira sa imahe ng pook.
https://nadsfilOrmgasanaysay.wordpress.com/2016/02/26/jose-rizal
Paksa:​