Panuto: Isulat ang buod ng kuwentong" Ang Reynang Matapat" na tinalakay natin
akda sa nakaraang talakayan. Isulat ito nang maayos at may kaisahan ang mga
pangungusap. Gumamit ng mga retorikal na pang-ugnay. Isulat ito sa isang buong
papel.​


Sagot :

Answer:

Ang Reynang Matapat

Noong unang panahon may isang reyna na namumuno sa isang kaharian. Siya si Reyna Sima, isang reyna na kilala dahil sa kanyang angking katalinuhan, katapatan at ang mahigpit at maayos niyang pamamalakad sa kanyang pinamumunuan.

Ang Kutang-Bato (Cotabato) na kanyang pinamumunuan ay dinarayo ng mga mangangalakal na Arabe, Intsik at Hindu.

Sa kanyang pamumuno ang Kutang-Bato ay maunlad, tahimik at sagana. Mahigpit ang pagpapatupad niya ng mga batas, ang sinumang lumabag dito ay kanyang pinarurusahan.

Ang kanyang mga patakaran ay mahigpit na na ipinatutupad katulad ng paggalang, paggawa at ang katapatan ng kanyang mga tauhan.

Ang batas na ito ay naging daan upang makilala at mapabalita ang Kutang-Bato sa mga mangangalakal katulad ng Intsik. Hindi kailanman nawawalan ang sinuman na mangangalakal na pumupunta sa kanilang kaharian. Kung kaya ng minsang may isang negosyanteng Intsik ang naka iwan ng isang supot ng ginto sa kanilang palasyo walang sinuman ang gumalaw nito katulad ng kanyang bilin. Sa paraang ito madaling makikita ng may ari ang kanyang naiwanan.

Magmula nga noon, mas lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kanyang kahigpitan sa pagpapatupad ng kanyang mga batas lalo na ang kautusang maging matapat.

Explanation:

ito ba yon?

kung hindi pakilagay nalang kong sino ang sumulat

thank you