Sagot :
Answer:
1. ANG PAMBANSANG EKONOMIYA Ang pagsusuri sa buong gawi ng lipunan ay isang napakalawak na gawain. At upang mailarawan ang galaw ng buong ekonomya sa isang payak na kalagayan na maipakikita sa pamamagitan ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo. Paikot na Daloy ng Produkto at Serbisyo 1. Ang payak na paglalarawan ng ekonomya ay kinapapalooban ng dalawang sektor, ang sambayanan at kompanya. Ang ideya ng circular flow ay buhat kay Francois Quesnay na batay sa kanyang Tableau Economique.
2. KOMPANYA PAMILIHAN NG MGA SALIK NG PRODUKSYO N Produkto at Serbisyo PAMILIHAN NG MGA NAGAWANG PRODUKTO Lupa, Paggawa, Kapital, Entreprenyur SAMBAHAYAN Dayagram Blg. 1
3. Ang dalawang sektor ay gumaganap ng gawaing pamproduksyon at gawaing pandistribusyon. Makikita natin sa dayagram blg. 1 na ang ugnayan ng dalawang sektor ay nagaganap sa tulong ng pamilihan, ang pamilihan ng salik ng produksyon at pamilihan ng nagawang produkto. Ang sambahayan ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon sa isinusuplay niya sa pamilihan ng salik ng produksyon. Mula sa pamilihan, ito ay kukunin ng kompanya upang magamit sa paglikha ng mga produkto. Ang anumang produkto na nagawa ng kompanya ay dadalhin nito sa pamilihan ng nagawang produkto
Explanation:
sana makatulong sakit po kamay ko