Panuto: Isulat ang I sa patlang kung ang pahayag ay TAMA at M kung
ang pahayag ay MALI.
1. Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay
pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon.
2. May mga kaugaliang Pilipino tayo na maiuugnay sa ating
kultura. Ang halimbawa nito ay BAYANIHAN.
3. Ang kultura ay tumutukoy sa pisikal na katangian ng isang
lugar gaya ng klima, lokasyon, hugis at topograpiya, anyong
tubig, anyong lupa at mineral.
4. May kaugnayan ang lokasyon, kultura at uri ng kabuhayan
sa pagkakakilanlan ng Pilipino.
5. Mahalagang salik ang kultura sa paraan ng hanapbuhay at
lokasyon ng mga pangkat ng mamamayan.
6. Ang lokasyon ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng
isang pangkat ng tao ng lipunan o komunidad.
7. Ang bahagi ng kultura ay tradisyon, paniniwala kaugalian,
wika at batas.
8. Ang tradisyon ay ang mga pagdiriwang o selebrasyon na
nakabatay sa paniniwala ng isang pangkat ng tao.
9. May dalawang uri ng kultura, ito ay materyal at di-materyal.
10. Mayaman at makulay ang kulturang Pilipino.​