13. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ka ng tamang kaibigan. May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang iyong mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan? A. Gagawin ko ang gusto ko, ako naman ang pipili ng kaibigan. B. Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasi ang magdesisyong mag-isa. C. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin. D. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para sa kanilang anak. 14. Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math. Ipinangako niyang isasauli pagkaran ng dalawang oras. Matagal kang naghintay pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksyon mo? A. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan. B. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit C. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga gamit D. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag-usapan. 15. Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang paniniwala tungkol sa kanilang relihiyon, ano ang pinakamabuti mong gawin para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan? A. Igalang ang kanyang paniniwala. B. Magdahilan na maraming tatapusin at gagawin C. Pakikinggan lang ang kaibigan pero hindi papaniwalaan. D. Pipiliin lang ang mga nais pakinggan sa sinabi ng kaibigan. 16. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng palabas sa Makati Circuit. Nakatakda kayong magkita-kita sa hintayan ng traysikel malapit sa inyong paaralan sa ganap na ika 5:00 ng hapon. Hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong nauna na sila sa Makati Circuit. Ano ang magiging reaksyon mo? A. Kakausapin sila nang mahinahon tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang naramdaman tungkol doon. B. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong pagkatao. C. liyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila. D. Aawayin ko sila. 17. Ano ang nadarama mo kapag nakakarinig ka ng hindi maganda tungkol sa iyong kaibigan na may diperensya sa mata. A. Sadyain ang panunukso C. Pagsabaihan ang nanunukso B. Hindi mo nalang papansinin. D. Magiging masaya at magaan ang pakairamdam. 18. Bilang lider ng pangkat, tinanong ka ng titser mo kung paano napaganda ang inyong proyekto. Ano ang sasabihin mo? A. Ibinigay ko po ang lahat ng aking nakayanan. B. Malaki po ang naitutulong ng bawat kasapi. C. Ang ilan pong kasapi ay walang kooperasyon D. Ako po ang bumili ng lahat ng ginamit sa paggawa nito. 19. Napagkasunduan ng iyong klase na magpapadala ng kard at kahon ng biskwit sa isang kaklaseng matagal nang maysakit. Ikaw ang napakiusapang maghatid ng mga ito Tatanggapin mo ba ang pinapagawa sa iyo? A. hindi nararapat B. Depende kung may panahon C. Oo, dahil makakahingi ako ng biskwit D. Oo, dahil para ito sa kapakanan ng kaklaseng maysakit. 20. Ikaw ang napili bilang tagapagsalita sa palatuntunan para sa Linggo ng Wika. Tatanggapin mo sa dahilang A. gusto mong maging sikat B. ayaw mong ipahiya ang gurong nagrekomenda sa iyo. C. wala nang makagagawa nito kundi ikaw. D. pagkakataon ito upang masubok ang iyong kakayahan