Sagot :
Sapagkat may mga pagkakataon na hindi na natin alam pa ang ginagawa natin na aabot pa sa puntong mawawala na sa ating isipan kung ano ang tama't mali. At kung minsan, pinipili nating piliin ang mali upang hindi makasakit. Mahirap pumili sa dalawang iyon kung ang layunin mo ay hindi manakit ng kapwa mo. Kaya naman may kasabihang "truth hurts", 'di ba. Hindi ka mahihirapang pumili sa tama at mali kung isasaalang-alang mo ang kabutihang panlahat at karapat-dapat na mga bagay. Kung minsan naman, pinipili ng iba sa atin na maniwala at manindigan sa mali dahil sa kanilang sariling kaisipan at paniniwala. May kanya-kanya tayong isipan at opinyon at iyon ang ating pinagbabasehan sa pagdedesiyon. Gayon pa man, nawa'y palagi natin piliin ang tama kaysa mabuti sapagkat hindi lahat ng mabuti ay tama.
#CarryOnLearning