anong batas Ang nagtakda Ng pagtatag Ng asamblea Ng pilipinas bilang mababang kapulungan na kakatawan sa mga pilipino bilang tagapag batas?​

Sagot :

Answer:

Pagtatag

Bago ang 1935, ang Kapuluang Pilipinas, isang insular area ng Estados Unidos ay may dalawang-kapulungang Legislaturang Pilipino na nagsilbing sangay tagapagbatas nito. Itinatag noong 1907 ang Lehislaturang Pilipino at rineorganisa noong 1916, bunsod ng Batas Jones, isang batas-pederal ng Estados Unidos. Itinakda sa Batas Jones ang isang Senado at isang Kapulungan ng mga Kinatawan, kung saan ang mga kagawad nito ay ihinahalal, maliban sa ilang itatalaga ng Gobernador-Heneral, na hindi nangangailangan ng kumpirmasyon. Bilang punong ehekutibo, ang Gobernador-Heneral ng teritoryo ay may kapangyarihan ding mag-veto ng anumang isabatas ng Lehislaturang Pilipino.[3] Noong 1934, nagtagumpay ang mga politikong Pilipino na maipasa ang batas para sa kasarinlang ng Pilipinas na kilala bilang Batas Tydings-McDuffie. Ginawa ito upang ihanda ang Pilipinas sa pagsasarili nito matapos ang sampung-taong paghahanda.[4] Itinadhana rin sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbalangkas at pagpapatibay ng isang konstitusyon na kakailanganing sang-ayunan ng Pangulo ng Estados Unidos.

Sa Kumbensiyong Konstitusyonal na sumunod dito, ipinagtibay ang isang-kapulungang Kapulungang Pambansa. Ito ay matapos di-mapagkasunduan ng mga delegado sa kumbensiyong konstitusyonal kung paano bubuuin ng dalawang-kapulungang sistema na kinakatigan ng higit na nakararami. Itinakda rin nito na 120 lamang ang sukdulang maaaring maging kagawad nito na ihahalal bawat tatlong taon; gaya ng nakasaad sa Batas Jones. Ang bawat lalawigan, di-alintana ang populasyon nito ay gagawaran ng isa man lang kinatawan. Itinakda rin sa kumbensiyon ang direktang paghalal ng mga kinatawan mula sa mga lugar na di-namamayani ang mga Kristiyano, na noo'y itinatalaga ng Gobernador-Heneral.[5]

Kapulungang Pambansa ng Komonwelt

Matapos maratipika ang Konstitusyon ng 1935, nagkaroon ng halalan noong 17 Setyembre 1935 para sa 98 kagawad ng Kapulungang Pambansa, kasabay ito ng halalan para sa panguluhan at pangalawang-panguluhan ng Komonwelt. Pinasinayaan ang Komonwelt ng Pilipinas noong 15 Nobyembre 1935 na naghudyat ng simula ng panunungkulan ng lahat ng mga halal na opisyal. Unang opisyal na nagpulong ang Kapulungang Pambansa noong Nobyembre 25, sampung araw matapos mapasinayaan ang pamahalaang Komonwelt, at dito nahalal si Gil Montilla ng Negros Occidental bilang Ispiker.[6] Di-naglaon nagbuo ito ng tatlong komisyon at 40 permanenteng komite nang pagpasyahan nito ang kanilang patakaran noong Disyembre 6.