Sagot :
Answer:
Ang Mga Krusada ay isang sunod sunod ng digmaang militar na may kaugnayan sa relihiyon[1] na itinaguyod ng karamihan ng Kristiyanong Europeo noong 1096–1273, karamihan nito ay pinagtibay ng Papa sa ngalan ng Kristiyanismo. Ang kaunaunahang layunin mga Krusada ay ang mabawi ang Jerusalem at ng "Banal na Lupain"[2] mula sa kapangyarihang Muslim at kaunaunang binunsod bilang tugon sa panawagan mula sa Silangang Ortodoksong Silangang Imperyong Romano, na mula kay Emperador Bisantino Alexios I Komnenos[3] upang masugpo ang pagdating ng Muslim na Seljuk Turks[4] sa Anatolia
Explanation:
Nagbalak si Papa Urbano II na bawiin ang banal na lupain sa kamay ng mga Muslim noong 1095. Pinangunahan ng mga maharlikang Pranses at Norman ang unang krusada. ang ikalawang Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Eugenius II, Ang ikatlong krusada naman ay mas kilala sa tawag na Krusada ng tatlong Hari sapagkat Tatlong Hari ang nanguna nito, sila ay si Haring Richard I ng Great Britain, haring Philip II ng France at Emperador Frederick Barbossa ng Germany. Habang ang ika-apat na Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Innocent III, ito ay nagdulot lamang ng pag-sama ng mga Venezio sa Pagsalakay sa Constantinople noong 1203–1204 na ikinahina ng Silangang Imp. Romano (Imperyong Bizantion). Ang Krusada naman ng mga kabataan ay nabigo dahil sila ay nilinlang ng sinakyan nilang barko at ipnagbili bilang mga alipin.