bakit kailangan pag aralan ang buhay at mga ginawa ni rizal

Sagot :

Explanation:

Mahalagang pag aralan ang buhay at mga ginawa ni Dr. Jose Rizal sapagkat isa siyang huwaran na bayani na ginawa ang lahat para maibatid sa lahat ang mga pang aabusong karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng Espanyol sa pamamagitan ng pagsulat ng akda. Talino ang ginamit sa pakikipagdigma kaya siya tinaguriang pambansang bayani.

Answer:

si Rizal ay ang ating pambansang bayani. Wala silang nalalaman tungkol sa kaniyang mga nagawa kung bakit niya nakamit ang ganoong pagkilala sa kanya. Hindi nila maipaliwanag kung bakit siya ang ating pambansang bayani. Bilang siya ay bahagi ng ating kultura, marapat lamang na malaman natin kung sino siya at ang kanyang mga nagawa. Sa aking pananaw, isang kawalang-pakundangan ang hindi pagbibigay ng halaga sa kanyang mga nagawa. Malaking instrumento siya sa tinatamasan nating kalayaan ngayon. Kung hindi dahil sa kanyang mga nagawa, baka hanggang ngayon ay sakop pa rin tayo sa mga Kastila o hindi man alipin pa rin tayo ng ating pagkamangmang sa tunay na kalagayan ng bansa. Malaki ang kanyang nagawa para sa ating kasarinlan. Makakatulong rin sa atin ang pag-aaral at pag-iintidi ng kayang mga nagawang akda. Tinuturuan tayo dito ng mga kahalagang pantao at tinuturuan tayo na magbigay ng halaga sa ating kulturang Pilipino.