Answer:
Pagmumuling Gubat: Kahulugan Nito
Ang salitang pagmumuling-gubat ay kasing kahulugan ng reforestation na salin sa wikang Ingles. Ito ay isang gawaing tumutukoy sa muling pagbubuhay ng nasirang kagubatan. Kasalungat ito ng salitang deforestation o pagkasira ng kagubatan. Narito ang ilan sa mga gawaing halimabawa ng pagmumuling-gubat o reforestation:
Pagtatanim ng mga panibagong puno sa bahagi ng kagubatang nasira.
Pag-iwas sa mga gawaing mayroong epekto sa pagkakasira ng kagubatan.
Ang salitang pagmumuling-gubat ay ginagamit rin sa pagtukoy ng pagkakaroon ng bagong buhay o pagkakaroon ng panibagong panimula.
Explanation: