Sagot :
Answer:
Ang mga sagot:
- Layunin ng pamahalaang ito na masubok ang kakayahan ng mga Pilipino sa pangangasiwa ng sariling pamahalaan.
- Para narin magkaroon tayo ng sariling kaisipan sa pagiging pangulo sa pamahalaan.
- Itinakda ang sampung taong panahon ng transisyon ng malasariling pamahalaan na tinatawag na Pamahalaang Komonwelt.
Buong impormasyon:
Ayon sa nilalaman ng Batas Tydings-McDuffie,upang ihanda ang bansa sa pagsasarili sa 1946,itinakda ang sampung taong panahon ng transisyon ng malasariling pamahalaan na tinatawag na Pamahalaang Komonwelt.Layunin ng pamahalaang ito na masubok ang kakayahan ng nga Pilipino sa pangangasiwa ng sariling pamahalaan.Nabigyan ng sampung taong pagkakataon ng mga Pilipino na magsanay sa pagkilala ng mga suliranin,pagsusuri ng mga ito,at paglutas sa mga ito.Maari nang magsarili ang mga Pilipino kung mapayapa na ang bansa at matatag na ang pamahalaan.Noong setyembre 17, 1935, naganap ang pambansang halalan upang mahalal ang mga Pilipino ng mga bagong pinuno.Nahalal na pangulo si Manuel L. Quezon laban sa kanyang katunggaling sina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay at naging pangalawang pangulo naman niya si Sergio Osmeña.Ang pamahalaang Komonwelt ay nahahati sa tatlong sangay,ang ehekutibo,lehislatibo at hudisyal.
#CarryOnLearning
#Brainly.ph
#LearnEasily