Sagot :
Answer:
Ang pakikilahok ay isang obligasyon o pananagutan na dapat mong gawin, upang ikaw ay makatulong sa pag unlad ng ating lipunan. dahil ang pakikilahok ay ang pagbabahagi mo ng iyong mga kakayahan sa iba upang makatulong sa pag unlad ng lahat. at ito naman ay likas na taglay na nating mga tao.
Ang bolunterismo, ito ay tumutukoy sa isang paraan ng paglilingkod, ito ay ang kusang pagtulong mo sa mga nangangailangan, ito ay pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa, ang pag babahagi ng iyong kaalaman na hindi naghihintay ng anumang kapalit.
Halimbawa ng bolunterismo
Ang pagtulong sa mga nasalanta ng sakuna, ang pagbibigay ng iyong serbisyo sa mga nangangailangan na hindi ka humihingi ng anumang kabayaran, Malaki ang naitutulong nito sa isang tao na gumagawa ng bolunterismo sapagkat nagkakaroon siya ng kontribusyon na makatulong sa iba, at sa ikabubuti ng lipunan. at mas lalo pa niyang nakikilala ang kanyang sarili.
Explanation:
Answer:
ang pinagkaiba ng pakikilahok sa bolunterismo.
ang bolunterismo ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit
ang pakikilahok ay tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat