Sagot :
Answer:
dahil marami itong pankukunang likas na yaman
Explanation:
sana maktulong
Answer:
Ang West Philippine Sea ay mayaman sa langis o mas kilala bilang Natural Gas. Ayon noon kay House Committee on Energy Rep. Arnel Ty, malaki ang deposito ng langis sa West Philippine Sea. Aniya, ang West Philippine Sea ay mayroong sapat na reserba ng langis gaya na lamang ng Malampaya Gas Field.
Halimbawa, ang Sampaguita field lamang ng Recto Bank sa West Philippine Sea ay mayroon nang napatunayan na 4.6 Trillion cubic feet na reserba ng Natural Gas.
Kung may pagkakataon, malaking tulong ang West Philippine Sea upang mapunan at maiwasan ang pangangailangan ng bansa sa Kuryente. Sa kasalukuyan, ang sumusunod ang pangunahing basehan ng pinagkukunan ng Enerhiya ng Pilipinas.
1. Coal Energy - 34%
2. Hydro-Electric Energy - 19%
3. Natural Gas - 18%
4. Oil & Fuel - 17%
5. Geothermal - 10%
6. Biomass - 1%
Dahil mayroong hindi maganda na dulot sa kapaligiran ang Coal Energy dahil ito ay polusyon, balak ng pamahalaan na mapunan ang kapasidad ng bansa Natural Gas.
Ang 3.2 Trillion cubic na reserba sa Malampaya Gas Field ay tinatatya na lamang na aabot ang reserba hanggang 2030. Dahil hindi buong pagmamay-ari ng Gobyerno ang Malampaya, nakakatanggap pa rin ng kita ang gobyerno mula dito. Noong 2015, nakatanggap ang gobyerno ng 208 Billion peso na royalties mula Malampaya.
Sa pagtataya ng United States Energy Information Administration, mayroong 55.1 trillion cubic feet ng natural gas and 5.4 billion barrels ng krudo/langis ang buong West Philippine Sea, sapat upang matustusan ang pangangailangang enerhiya sa Luzon, Visayas at Mindanao sa susunod na 20 taon.
Kung nagkataon na makalkula ang halaga nito, maaring aabot sa Trilyong Dolyar ang halaga ng langis sa West Philippine Sea. Kaya naman gayun na lamang kalaki ang interest ng ating mga karatig bansa sa pagangkin nito partikular ang China.