Gawain 2 Panuto: Batay sa binagong patnubay ng pagbabaybay, piliin ang salitang gagamitin mo kung hihiramin ang salitang nakahilig. Titik lamang ang isulat sa patlang bago ang bilang, 1. Ang mga textbook na ginagamit ng mga mag-aaral ay dapat na ingatan at gamitin nang maayos. a textbook b. textbuk c. txtbuk teksbuk 2. Maraming basura ang pwedeng i-recycle. a. i-recycle b. irecycle c. iresaykel d. iresikulo 3. Malaking usapin sa kasalukuyan ang economics ng bansa. a. ikonomiks b. ekonomics c. ekonomiks d. economics 4. Ang discussion ng mga pulitiko ay nakatuon sa pagtitipid at pagbabayad ng utang ng bansa. a. diskasyon b. diskusyon c. discasyon d. discussion 5. Bumuo sila ng iba't ibang forum at mga conference tungkol sa pagpapabuti ng ekonomiya ng bansa. a. conference b. konferens c. komperens d. konperens 6. Masasabing umuunlad na ang transportation sa Maynila dahilan sa Metro Rail Transit. a transporteysyon b. transportasiyon c. transportation d. transportasyon 7. Nalunasan nito ang sobrang bigat ng traffic mula sa Legarda hanggang sa Santolan, Marikina. a. trapiko b. trafik c. traffic d. trafico 8. Kahit paano, nakararating na ang mga commuter sa kanilang pupuntahan sa oras. a. pasahero b. pasajero c. komyuter d. komiyuter 9. May mga paalalang sinasabi sa bawat isa patungo sa kanilang destination. a. destination b. destineysyon c. destinasyon d. destinasiyon 10. Maganda rin at maayos ang schedule ng pagbyahe ng mga tren. a. iskedyul b. talatakdaan c. skedyul d. eskedyul