Answer:
Paano ba natin maaaring maunawaan ang ugnayan ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao at isang sambayanan bilang kalooban ng Diyos? Para sa maraming tao, kung may isang bagay na nangyari sa personal na buhay nila o sa ating lipunan, kalooban ito ng Diyos. Sa mata nila, walang nangyayari sa kanilang buhay na hindi kaloob ng Diyos. Kung sakaling mayroong sumakabilang-buhay dahil sa isang sakuna, iniisip nila na kinuha na sila ng Maykapal. Gayon din, kung may magandang pangyayari sa buhay ng isa, ipinagdiriwang ito at tinitingnan ito bilang isang biyayang nagmula sa Diyos. Ngunit ganitong kasimple nga ba ang mga bagay-bagay? Sa munting pagbabahaging ito, nais kong magbigay ng pagmumuni-muni tungkol sa ugnayan ng ating kalayaan, ang ating pagpiling ginagawa sa buhay, at ang kalooban ng Diyos. Ang layunin
ko rito ay makaambag sa pagkakaroon nang mas kritikal na pang-unawa sa mga nangyayari sa ating buhay at lipunan sa liwanag ng Kristiyanong pananampalataya