Answer:
Ang batas na ito ang gumagabay sa ating lahat na may rasyonal at intelektwal na pag-iisip.
Pinaniniwalaang ang likas na batas moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Kaya sa pagsilang ng bawat isa sa atin ay mayroon na tayong konsensiya. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Manlilikha.
Sa pamamagitan ng batas moral, kaya nating maihambing mabuti at masama.
Dahil sa kalayaan, kaya rin nating gumawa ng mabuti at/o masama.
Sa ating malayang kilos-loob (freewill) nakabatay paggawa ng kabutihan o kasamaan dahil konektado ito sa ating kamalayan at kalayaan.
Hindi nagmumula ang batas moral sa eskwelahan kaya hindi tama ang argumentong tanging ang mga nag-aral lamang ay nakakaalam ng kung ano ang moral sa kamalayan. Sa kabilang banda, sa paaralan pwedeng hulmahin ang pagiging moral ng isang tao.
Nasa katauhan/pagkatao ng indibiduwal ang konsensiya kaya’t likas sa atin na mabuti ang dapat gawin at iwasan ang paggawa ng masasama.
Explanation:
Sana makatulong po :)