Sagot :
Answer:
1.pagiging matulongin
2.pagiging magalang
3.mapagpatawad
4.pagiging maunawain
5.
Answer:
Ilang mabubuting bagay na maaari nating sanayin sa paggawa ng kabutihan sa kapwa
1. Pag-ngiti sa iba
Malaking bagay ang naidudulot ng pag-ngiti sa kapwa. Nakakapagpaganda ito ng mood ng isang tao, lalo na sa umaga. Hindi ba't mabuti kung sasanayin natin ito lagi? Simulan ito sa ating pamilya.
2. Pagbati
Sanayin ang sarili na bumati ng 'Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi' araw-araw. Subukan itong gawin sa loob ng bahay kung hindi niyo ito kadalasang ginagawa sa inyong pamilya.
Mapupuna ang ganitong gawain sa mga empleyado ng mga restaurants, hotels, at iba pang public services. Nakakapagpasigla kasi ng mood ng isang tao ang madalas na pagbati at pag-ngiti araw-araw. Nakakawala ng bad vibes ng kapwa kapag binabati habang nakangiti.
3. Pag-alalay sa mga nakatatanda, buntis, at mga PWD
Bigyan ng prayoridad ang mga nakatatanda, buntis at mga PWD sa mga pampublikong lugar. Paunahin sila sa pila o alalayan kapag naglalakad. Ang mga ganitong pagtulong ay malaking bagay para sa paggawa ng kabutihan sa kapwa.
4. Pag-aalok at pagbibigay ng pagkain sa iba
Kung ikaw ay kumakain, subukang alukin ang iba na kumain. Maaari mo ring ibahagi ang anumang kinakain mo, lalo na kung pwede naman itong i-share. Simulan ito sa mga miyembro ng pamilya hanggang sa masanay na ring mag-share sa mga kaklase, kaibigan o katrabaho.
5. Pagsali sa mga charity event
Makibahagi sa mga charity event upang makatulong sa kapwa. Maaaring tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng monetary donation, pamamahagi ng pagkain at anumang supplies.
Puwede ring mag-volunteer sa mga non-government organizations na tumutulong sa mga bahay ampunan, elderly home care, animal rescue centers, at mga rehabilitation centers.
Kung nahahabahan kayo paikliin niyo nalang para sa Grade niyo naman yan eh:)
Sana makatulong:)