Sagot :
Answer:
LIPUNAN SA PANAHONG PIYUDALISMO?
Makapag-aasawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pag-aari ng panginoon.Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.
Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong medieval period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit a maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.
ANO ANG KAHALAGAHAN NG LUNA SA SISTEMANG PIYUDAL?
Piyudalismo ang tawag sa sistema kung saan ang mga lupain ay pinangangasiwaan ng mga tinatawag na panginoong may lupa.
Tanging ang mga panginoon lamang na ito ang may kakayahan mamalakad sa mga lupain. Ang mga ibang uri ng tao, partikular na ang mga nasa mababang antas sa isang hirarkiya, ay maaari lamang magtrabaho o maghanap-buhay para sa panginoong may lupa.
Wala silang karapatan magmay-ari ng mga lupain. Kaya naman napakahalaga talaga ng lupa sa sistemang piyudal. Ang lupa ang nagpapakita ng kapangyarihan ng isang tao.
Kung mas maraming lupain ang isang panginoong may lupa ay tiyak na mas malakas at mas makapangyarihan siya kaysa sa kapwa niya.