Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Bilugan ang mga panandang pandiskurso na ginamit sa pangungusap. Gawin sa sagutang papel. 1.Bagaman may banta ng pandemya, positibo nating haharapin ang bagong normal ng may kahabagan, sensibilidad, at pagiging makabayan upang ang paraan ng pag-aaral ay hindi maging isang pasanin para sa ating mga magulang, mga anak at guro ngunit isang pag-asa sa gitna ng krisis. 2. Samantala, inihanda ang mga learning delivery option na ito na angkop sa social distancing at limitadong internet access ng mga guro at mag-aaral. 3. Sa kabila ng mga hamon na tatahakin, sisiguraduhin natin na magkakaroon ng balanse sa pagitan ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon at pag-aaruga sa bawat isa.