Sagot :
Kasagutan:
Liwanag sa Dilim: Ang Kuwento ni Roselle Ambubuyog (Isang Buod)
Si Maria Gennet Roselle R. Ambubuyog ay ipinanganak sa Maynila Noong ika-12 ng Enero taong 1980. Naging masaya ang kabataan niya kasama ang magulang na sina G. Gemme Ambubuyog at Gng. Deanna Rodriguez at tatlo niyang kuyang sina Glemm, Glenn, at Garry.
Noong siya ay anim na taong gulang ay nagkasakit siya at kinailangang uminom ng 4 na uri ng gamot. Naging maayos ang kalagayan niya ngunit muling nagkasakit dahil sa reaksyon ng katawan sa mga gamot. Ang kondisyonf ito ay tinawag na Steven Johnson's Syndrome. Siya ay dinala sa iba't ibang doktor ngunit nabulag siya.
Sa kabila ng nangyari ay nagsumikap sila. Nakabalik sa pag-aaral si Roselle at nagtapos na balediktoryan sa elementarya noong 1972 sa Elementarya ng Batino at gayun din sa Ramon Magsaysay noong 1996. Pagkatapos ay nagpunta siya sa Ateneo upang mag-aral sa Matematika.
Nagbunga lahat ng sakripisyo at pagsisikap nila dahil nagtapos siyang belidektoryan sa Ateneo noong 2001. Pinasalamatan niya ang kanyang pamilya sa talumpati. Pagkatapos ay nagtungo siya sa Unibersidad ng Pilipinas upang magpakadalubhasa sa Matematika.
Ngayon ay matagumpay na siyang consultant para sa isang kompanya na gumagamit ng teknolohiya upang tulungan ang taong may kapansanan. Nagamit niya ang sariling karanasan para tulungan ang taong tulad niya.