Panuto: Magtala ng 3 isyu/usapin sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata na iyong
naranasan o nararanasan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.
2.
3.
4.
5.​


Sagot :

Mga Isyu sa Panahon ng Pagbibinata at Pagdadalaga:

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga isyu sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga:

  1. mga isyung may kinalaman sa nutrisyon
  2. mga isyung may kinalaman sa pabago - bago ng pag - iisip at damdamin
  3. mga isyung may kinalaman sa pag - aalaga ng katawan
  4. mga isyung may kinalaman sa kabuwanan
  5. mga isyu tungkol sa mga alalahanin sa ngipin
  6. mga isyu tungkol sa kakulangan o pagkakaroon ng hindi sapat na tulog
  7. mga isyu tungkol sa maaga at di - inaasahang pagbubuntis
  8. mga isyu tungkol sa sexual harassment

Ang mga isyung may kinalaman sa nutrisyon ay maiiwasan sa pammagitan ng pagkain ng wasto at masustansyang pagkain araw - araw. Pag - inom ng walong baso ng tubig o higit pa. Pag - eehersisyo at pagsasabi ng mga suliranin sa magulang, guro, o nakatatandang paingkakatiwalaan.

Ang ilan sa mga isyung may kinalaman sa pabago - bago ng pag - iisip at damdamin ay ang pagiging mainitin ng ulo, madalas na pagkayamot, magagalitin, pabago - bago ng isip, hindi makausap ng maayos, pagiging mapag - isa, matinding kalungkutan, labis na pag - iyak, pagiging magugulatin at balisa, sensitibo, at pagkain ng labis na carbohydrates.

Ang ilan sa mga isyung kinalaman sa pag - aalaga ng katawan ay pagkakaroon ng tigyawat, amoy sa katawan, at tindig ng katawan.

Ang mga isyung may kinalaman sa kabuwanan ay ang dysmenorrhea.

Ang mga isyung sa ngipin ay pagkasira bunga ng pagkain ng maraming carbohydrates, pag - inom ng may acid, sakuna habang naglalaro, paninigarilyo at pag - inom ng alak, at hindi pagsesepilyo ng tama.

Ang mga isyu sa kakulangan o pagkakaroon ng hindi sapat na tulog ay mabilis na pagbabago ng katawan, maraming gawaing kailangang tapusin, aktibong paglilibang, at pagbabago ng body clock.

Ang isyu ukol sa maaga at di - inaasahang pagbubuntis ay maaaring magdala ng panganib sa kalusugan ng isang babae.

Ang isyu ukol sa sexual harassment ay maaaring pasalita, hindi pasalita, at pisikal.

Keywords: isyu, pagbibinata, pagdadalaga

Kahulugan ng pagbibinata at pagdadalaga: https://brainly.ph/question/2181033

#LetsStudy