Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa gilid ng bawat numero. 1. Alin sa sumusunod ang katawagan sa sentro ng Lungso ng Rome? A. Agora B. forum C. Polis 2. Sinong emperador ang kinilala bilang Augustus Caesar? A. Nerva B. Octavian C. Tiberius 3. Ano ang tawag sa isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly? A. Agora B. forum C. Polis 4. Alin sa sumusunod ang pinakaunang pangkat ng tao sa Italya? A. Dravidian B. Etruscan C. Latino 5. Anong daan ang ginawa ng mga Romano na nag-uugna sa Rome at timog Italy? A. Appian Way B. Silk Road C. Royal Road 6. Ano ang katawagan sa mga maharlika ng lipunang Romano? A. Patricians B. Noble C. Plebeians 7. Sino ang kambal na nagtatag ng Rome ayon isang matandang alamat? A. Remus at Romulus B. Roman at Remus C. Rome at Romulus 8. Sino sa mabubuting emperador ng Imperyong Romano ang may patakaran na palakasin ang mga hangganan at lalawigan ng Imperyo? A. Augustus B. Trajan C. Marcus Aurelius 9. Ano ang tawag sa mga karaniwang tao sa lipunang Romano? A. Patricians B. Noble C. Plebeians 10. Alin ang pinakaunang pangkat ng tao na nanirahan sa Italya? A. Sumerian B. Latin C. Lydian