Lahat ng hayop sa gubat ay takot sa kaniya, kaya naging mayabang si
Awra. "Ngayong ako na ang pinakamalakas na hayop sa kagubatan masasabi
kong ako na ang hari dito," pagmamayabang ni Awra. "Hindi na ako komportable
sa maliit na butas na ito, maghahanap na ako ng bago at magandang butas para
mapagpahingahan," dagdag ni Awra.
Habang namamasyal, may nakita siyang isang maganda at may
kalakihang butas sa puno ng narra, agad niya itong pinuntahan at doon
namahinga. Sa kalagitnaan ng kaniyang pamamahinga ay may naramdaman
siyang may gumagapang sa kaniyang katawan. Nang ito'y kaniyang tingnan ay
nakita niya si Igam-langgam. Sinabihan niya itong umalis, ngunit pagdungaw
niya sa ibaba ay nakita niya ang bahay ni Igam-langgam kasama ang kaniyang
mga kamag-anak. Dali-daling gumapang si Awra pababa upang sirain ang bahay
ng mga langgam.
Sa pamumuno ni Igam-langgan, nagsama-sama ang lahat ng langgam.
Nagkaisa silang lahat at handang lumaban
Sariling Katha: Dexter Perasot
Ang akdang iyong binasa ay halimbawa ng isang akdang walang wakas.
Sadyang hindi tinapos ang pabula. Magbigay ng tatlong posibleng mangyari sa
katapusan ng akda gamit ang iyong dating karanasan/kaalaman. Gawing makulay
ang maaaring susunod na mangyayari sa akda.
(1)
(2)
(3)​