han ko-
Naisakay ko ang mga anak ni Mang Teban, kaya humimpil muna ako sa
kanilang tindahan
upang doon maghapunan. Sandali lamang akong
nagpahinga dahil kailangan ko ring bumalik agad sa biyahe-uwian narnan ng
mga nagtatrabaho ang hinahabol ko. Doon ako nag-aabang sa sakayan ng
dyip--maraming pasahero na ayaw nang maglakad kapag ganitong oras.
Alas-diyes ng gabi na ako nakauwi. Tulog na ang mag-iina ko pagdating
ko. Nakakapagod ang biyahe, pero kinakaya ko pa rin. Mabuti na nga lamang
at maraming pasahero dahil tuloy-tuloy ang kita. May panahon din kasi ang
hanapbuhay namin-kapag bakasyon at walang mga estudyante, mahina ang
kita. Iniisip ko na lang na ginagawa ko ito para sa aking mag-iina. Sila ang
nagbibigay sa akin ng lakas. Magpapahinga lamang ako ngayong gabi. Bukas,
magbibiyahe akong muli.
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong
tungkol sa nabasang talaarawan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga ginawa ni Mang Erning sa buong maghapon?
2. Anong katangian ang taglay ni Mang Erning?
3. Bilang isang anak, paano mo masusuklian ang pagsisikap ng iyong
magulang upang ikaw ay mabigyan ng maayos na buhay?​