Answer:
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA SUPPLY
- Pagdami ng mga Negosyante - Ang pagtaas ng presyo ng isang particular ng produkto ay maaring makahikayat ng mas marami pang negosyante upang magbenta.
- Pag-unlad ng teknolohiya - Nakapagpapasigla ng produksyon ang pag-unlad ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa produksyon tulad ng paggamit ng makinarya, ay nakatutulong sa pagbilis at pagdami ng produksyon.
- Gastos sa Produksyon - Kasama sa mga salik ng produksyon ang lakas-paggawa, lupa, mga materyales, kakayahang entreprenyural, at makinarya. Ang pagbaba ng presyo ng mga materyales na ginagamit sa produksyon ay nakapagpapataas ng suplay dahil mas maraming mabibiling materyarles sa paglikha ng produkto.
- Pagbabago ng Presyo ng magkakaugnay na produkto - Ang suplay ng ilang produkto sa pamimilihan ay nakabatay sa presyo ng magkaka-ugnay na produkto (related goods).
- Pagbabago sa taripa ng buwis - May mga tulong sa nagmumula sa pamahalaan para sa mga negosyante. Isa na rito ang pagbaba ng buwis para sa ilang produkto o kalakal.
Explanation: