Sagot :
Answer:
1. Ang Laro ay pasisimulan sa pamamagitan ng Jack-en-Poy (Bato-Bato Pik - papel, gunting, bato). Ang sinumang manalo sa Jack-en-Poy, sila ang unang pangkat na maglalaro bilang mga Bangon.
2. Ang mga Bangon ay magsisimula sa unang linya at susubok na makalagpas sa bawat linya nang hundi natataya.
3. Ang Taya ay magbabantay sa bawat linya sa pamamagitan ng pagtayo at pagbaybay pahalang sa linya ng nakadipa ang mga kamay. Susubukan niyang abutin at matapik ng kanyang palad o mga daliri ang harapang bahagi ng katawan ng Bangon na nagtatangkang makalagpas. Kailangang nakalapat ang dalawang paa sa linya habang nananaya. Hindi balido ang pagtaya na hindi nakalapat ang mga paa sa linya.
4. Kapag nakalampas na sa linya ang Bangon, hindi na siya maaring tayain ng nalagpasang bantay-taya, maliban na lamang kung pabalik na ito galing sa dulo.
5. Bawal lumabas sa loob ng palaruan ang Bangon. Kapag lumabas ang Bangon sa lugar ng palaruan, ito ay ikukunsidirang nataya, at paaalisin sa laro.
6. Kapag nataya ang isa sa mga Bangon sa anumang paraan, halimbawa ay natapik ng Taya o nakalagpas sa lugar-palaruan, magpapalit ng lugar ang dalawang pangkat. Ang kabila naman ang magiging Bangon, at ang nataya ang magiging Taya.
7. Ngunit kapag matagumpay na nakapasok at nakabalik ang mga Bangon ng hindi natataya sa anumang paraan, ang koponan ng Bangon ay gagawaran ng isang (1) puntos na score. Matapos maka-puntos, bahagyang ititigil ang laro at ang lahat ng Bangon ay babalik muli sa simulang lugar, at muling lulusob upang muling maka-puntos. (tuloy-tuloy lang ang laro hanggat hindi sila natataya)
8. Matatapos ang laro kapag ang isang pangkat ay nakatamo ng ang napag-sangayunang bilang ng puntos. Ang pangkat ay idedeklarang na itong panalo.
Explanation:
Hope it helps!