Answer:
Ang Sarangani ay isang lalawigan ng Pilipinas na kabilang sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN sa pulo ng Mindanao. Alabel ang punong bayan nito at napapaligiran ng Timog Cotabato sa hilaga at Davao del Sur sa silangan. Nasa timog naman ang Dagat Celebes. Nahahati ang lalawigan sa dalwang bahagi, pinaghihiwalay ng Look ng Sarangani, at dating kabilang ito sa Timog Cotobato hanggang naging malayang lalawigan noong 1992.