nanatili ang sinaunang paniniwala ng mga pilipino sa kabila ng pagbabawal ng mga espanyol.​

Sagot :

Answer:

Sinaunang Paniniwala at kaugalianMataas ang paggalang ng mga sinaunang Pilipino sa mga kaluluwa ng kanilang mganinunong pumanaw na. Naniniwala rin silang sagrado ang mga kabunduan, mga ilog athalamang-gamot, malalaking punungkahoy, kwebang sambahan, mabababangis nahayop. Higit ang pagkilala nila sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno, kung kaya’tinaalayan nila ang mga ito ng pagkain at papuring awitin o pananalangin. Naniniwalarin sila sa kabilang buhay. Patunay nito ay ang inanyuang dalawang tao nanamamangka sa takip ng tapayang Manunggul na pinangangahulugang paglalakbaypatungo sa kabilang buhay.Bawat kapuluan ay may sari-sariling paniniwala. Katunayan, iba-iba ang mgakatawagan nila sa kanilang mga Diyos: Abba sa mga Cebuano, Kabunian sa mgaIlokano, Bathala sa mga Tagalog, at Laon sa mga Bisaya. May iba-iba ring katauhanang kanilang diyos tulad nina Sidapa, naghaharing diyos sa langit ng mga Bisaya;Sisiburanen, naghaharing diyos sa impyerno ng mga Bisaya; Hayo, diyos ng karagatanayon sa mga Tagalog; at Dian Maslanta, diyos ng pag-ibig ayon sa mga Tagalog. Angseremonya sa pag-aalay sa mga diyos o anito ay pinangungunahan ng tinatawag nilangkatalonan sa Tagalog at babaylang sa Bisaya, ang mga ito’y maaaring lalaki o babae napinaniniwalang tagapamagitan sa sinasamba.Kaugalian sa Kasal – May kanya-kanyang paraan ng pagdaraos ng kasalan ang mgasinaunang Pilipino sa bawat kapuluan. Kadalasan, sa bahay ng datu ang tagpuan ngmga kamag-anak ng ikakasal. Ang nakatakdang babaylan (o baylanes) o katalonan(catalonan) ay magsasagawa ng seremonya ng kasal.