Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga katanungan. Paano mo
gagamitin ang iyong konsensya sa mga sumusunod na sitwasyon,
1. Isa kang pinuno ng barangay. May lumapit sa iyo na isang mayamang
politiko na nag-alok ng malaking halaga, gawan mo lamang ng paraan
na manalo siya sa susunod na lalalan. Ano ang iyong gagawin at
dahilan o batayan ng kilos o desisyong gagawin?
2. Sinabi ng kaibigan mo na may tampo siya sa kanyang ina
dahil pakiramdam niya ay hindi siya mahal nito. Sinabi niya
na maglalayas siya at pupunta sa kanyang lola. Pagkaraan ng
ilang araw, nabalitaan mong lumayas nga ito at naghihinagpis
ang kanyang mga magulang. Sasabihin mo ba ang iyong nalalaman.
Ano ang iyong gagawin at dahilan o batayan ng kilos o desisyong
gagawin?
3. Ginabi ka ng uwi dahil sumama ka sa iyong mga kaibigan na
dumalo sa kaarawan ng inyong kamag-aral pagkatapos ng klase.
Hindi ka nakapagpaalam sa iyong mga magulang dahil gustong-
gusto mo sumama sa kanila. Pagdating mo sa bahay, hiningan ka
ng paliwanag ng iyong mga magulang. Ano ang iyong gagawin
at dahilan o batayan ng kilos o desisyong gagawin?​


Sagot :

Answer:

Bilang isang pinuno ng barangay ay hindi ko kukunin ang malaking halaga para sa ikapanalo niya sa election.kailangan kung pag-isipan at timbangin ang aking kunsensya na maging patas sa buhay.Hindi ko hahayaang dahil sa pera ang kinabukasan naman ng mga nasasakupan ko ang mapapahamak. Magiging patas ako at pananatilihan ang malinis na halalan dahil yun ang inaasahan sa akin ng mga mamamayan.

Explanation:

2.Sasabihin sa kanyang ina, hindi ko hahayaang mas lalong lumala ang kanilang gap bilang mag-ina.Magagalit ang aking kaibigan ngunit siguro maintidihan niya ako na para sa kanyang kabutihan ito. gagawa ako ng paraan na magkaintindihan sila ng knailang naramdaman para malaman ng bawat isa ang kanilang gustong sabihin.

3.magsasabi ng katotohanan sa aking mga magulang.Aaminin ko ang aking kamalian at hihingi ng pasensya sa kanila.maging tapat ako sa kanila dahil nagkamali ako at magsasabi ng totoo dahil alam kung maintindihan ako ng aking mga magulang pag maipaliwanag ko ng maayos ito at hindi magsisinungaling.