11. Sa panahon na matindi ang agawan ng lupain at pagkain, anong pilosopiya ang gumamit ng kamay na bakal sa pamamahala para sa katiwasayan?
A. Confucianismo B. Kristiyanismo C. Legalismo D. Taoismo
12. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng konsepto ng pilosopiya?
A. maniwala agad sa balita at sa social media B. makinig sa sinasabi ng matatanda dahil lahat ng ito ay tama C. mapanuri sa binabasa at napapanood at pinanggalingan nito bago maniwala D. mag-isip muna sa naririnig bago tuluyang maniwala sa balita
13. Bakit naging mahalaga ang Confucianismo, Legalismo at Taoismo sa mga sinaunang Asyano at sa kasalukuyan?
A. naging gabay sa pang-araw araw na pamumuhay gayundin ang pagkakaroon ng katatagang panlipunan B. nagkaroon ng mas matalinong pagpapasya ang mga tao sa maraming bagay C. napapaunlad ang iba’t ibang kakayahan para harapin ang hamon ng buhay D. nauunawaan ng bawat tao ang dahilan ng kanyang pananatili sa mundo
14. Ang naging batayan sa pilosopiyang Taoismo tungo sa balanseng pamumuhay
A. kalikasaan at tao B. kayamanan at kalikasan C. tao at kapangyarihan D. tao at ang sariling kasiyahan
15. Sa pananaw ng Confucianismo mahalaga ang kagandahang loob, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?
A. pakikinig sa suhestiyon ng nakakabatang kapatid B. pangangalaga sa mga halaman at punongkahoy C. pagsunod sa utos at pangaral ng mga nakakatanda D. pagwalang bahala sa mga pagsubok sa buhay
16. Sa Confucianismo ano ang unang dapat gawin ng tagasunod upang maging makabuluhan ang kanyang pamumuhay?
A. pakikipagkapwa tao B. pagkamadasalin C. pagiging dalubhasa D. pagpapabuti ng tao sa sarili
17.Alin sa mga sumusunod ang patunay na ang impluwensiyang Confucianismo ay niyakap ng maraming sinaunang Asyano?
A. ang impluwensiya ay ginawang pananampalataya B. naging daan sa katiwasayan at niyakap ito bilang relihiyon C. niyakap ang mga impluwensya sa pang araw-araw na pamumuhay D. pinalawak ang pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang tao sa mga kalapit bayan
18. Ang bansang matatagpuan sa Silangang Asya na mayaman sa mga sinaunang kasaysayan at dinastiya maging sa mga pilosopiya tulad ng Confucianismo, Legalismo at Taoismo.
Hapon Hilagang Korea Tsina Taiwan
19.Ang Confucianismo, Legalismo at Taoismo ay ilan sa mga paniniwalang umiral noon sa Asya na nagkaroon ng mahalagang ambag sa kasalukuyan, alin sa mgasumusunod ang naging impluwensiya nito?
A. masagang ani sa agrikultura at hanapbuhay sa nakakarami B. kaayusan sa bansa, pakikipag-ugnayang panlabas at pangangalaga sa kalikasan C. kakayahang pangasiwaan ng pamahalaan ang loob at labas na teritoryo ng bansa D. pagpataw ng buwis sa lahat ng produkto at pakikipagkalakalan
20.Sa panahon ng pandemya kailangang maging produktibo ang mga mamamayan upang mabuhay ng ligtas. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita sa aral ng Taoismo?
A. pagbabahagi ng tulong sa mga front liners B. pagmamalasakit sa mga kamag-anak na nangangailangan C. pagsuot ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay D. pagtatanim ng mga gulay at iba pang halaman sa bakuran