Tukuyin kung Tama o Mali ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang iyong
sagot sa patlang na nakalaan.


___ 1. Ang toripa ay ang ibinabayad na buwis sa mga kinakalakal
na mga produkto.

___2. Ang Parity Rights ay ang pagbibigay ng pantay na
karapatan sa mga Amerikano sa paglinang ng likas na
yaman ng bansa.

___3. Maraming gusali, tulay, at kalsada ang nasira dahil sa
digmaan.

___4. Ang malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at
Estados Unidos ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon
ng kaisipang kolonyal ng mga Pilipino.

___5. Ang Botas Rehabilitasyon ay kilala rin sa tawag na
"Tydings Act."

___6. Nagbigay ng daan daang dolyar ang Estados Unidos sa
Pilipinas bilang bayad-pinsala.

___7. Nagtakda ng limitasyon ang Pilipinas sa ipapasok na
produkto ng mga Amerikano sa bansa.

___8. Ayon sa kasunduang Base Militar, sa loob ng 99 na taon
ay magbabayad ang Estados Unidos sa Pilipinas kapalit
ng pananatili ng himpilang militar sa bansa.

___9. Mas malaki ang
kinita
ng mga Pilipino sa
pakikipagkalakalan sa Estados Unidos

___10. Naging patas para sa mga Pilipino ang ginawang
Bell Trade Act.​