Panute: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pamamaraan upang makaiwas sa mga problemang mental, emosyonal at sosyal at Mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang pang-aabuso sa kapwa ay isang mabuting gawain. 2. Ang may matalas na pag-iisip ay nakatutulong sa paglutas ng suliranin. 3. Ang pakikipag-away sa kapwa ay nakatutulong sa emosyonal na kalusugan. 4. Ang pagpapalabas ng sama ng loob ay nakapagpapagaan ng nararamdaman. 5. Ang problema sa relasyon sa kapwa ay hindi nakaaapekto sa kalusugan ng tao. 6. Ang pagiging masayahin at pananalig sa Diyos ay mainam para sa kalusugan ng tao. 7. Ang pagkahiwalay sa mga magulang at mga kaibigan ay hindi nakaaapekto sa kalusugan. 8. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan ay nakatutulong sa ating pisikal na kalusugan. 9. Ang pakikilahok sa iba't ibang gawain ay nakatutulong upang mabawasan ang ating mga problema 10. Ang paglalasing at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay mainam na paraan sa paglutas ng problema. 1