Sagot :
Question : gawain sa pagkatuto bilang 1:magbigay ng ilang mga siluranin sa paggawa at ipaliwanag ang mga epekto nito sa bansa...
Answer : Mga Ilang Suliranin sa Paggawa
Iskemang Subcontracting
– tumutukoy ito sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay kumukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o sebisyo sa isang takdang panahon. May dalawang umiiral na anyo ng subcontracting ito ay ang Labor-only Contracting at Job Contracting. Dahil sa ganitong kalagayan ng pagtratrabaho sa mga manggagawa hindi sila nagkakaroon ng pangmatagalang pagkakakitaan at hanapbuhay. Hindi rin matitiyak ng mga manggagawa ang tinatawag ng Job Security sapagkat nakabatay lang ang kanilang trabaho sa mga kontratang pinapasok ng kanilang kompanya.
Unemployment at Underemployment
– Dahil sa kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho, naging patakaran na ng gobyerno ang pagluluwas ng paggawa (labor) simula dekada 70. Mabilis na lumalaki ang bilang ng Pilipinong nangingibnag bayan para magtrabaho. Ang epekto ng unemployed at underemployment ay ang paghihirap ng isang pamilya pag walang trabaho, walang makukuhaang kita at nakakababa ng ekonomiya ng bansa.
Self-employed
– Isang malaking bahagi ng nasa kategorya ng Self-employed without any paid employee ang tumutukoy sa trabahong para-paraan o sinasabing vulnerable employment. Ang pinakamalaki bahagdan ng mga mangagawa na sinasabing vulnerable ay nasa sektor ng agrikultura. Samantala, ang isang malaking bahagi pa nito ay ang mga mala-mangagawa .sa kalunsuran na ang hanapbuhay ay para-paraan gaya ng paglalako o ambulat vendor at sidewalk vendor. Karaniwang wala silang pormal na ayos sa trabaho o walang natatanggap na benepisyo.
Mura at Flexible Labor
– Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba't ibang mga bansa.