1. Madalas na sinasabi ni Datu Ramilon ang katagang "ang lalaking maibigan ng aking anak na si Kang ay hindi ko tututulan. Igagalang ko ang kaniyang kapasiyahan kung ito ang kaniyang ikaliligaya." Anong pag-uugali ang makikita kay Datu Ramilon? A. isang maunawain at mabait na ama para sa ikaliligaya ng minamahal na anak B. isang kunsintidor na ama na walang pakialam sa kinabukasan ng anak C.isang mangmang na datu na hindi ginagamit ang kapangyarihan at katapangan. nabangg D. lahat ng nabanggit 2. Di-gasinong makisig gaya ni Laon si Datu Sabunan kaya hindi siya pinili ni Kang. Anong uri ng paghahambing ang nakasalungguhit na salita? A. hambingang palamang c. hambingang magkatulad B. hambingang pasahol d. wala sa nabanggit 3. Si Datu Ramilon ay matalino kaysa kay Datu Sabunan.. Anong uri ng paghahambing ang nakasalungguhit na salita? a. hambingang palamang c. hambingang magkatulad b. hambingang pasahol d. wala sa nabanggit 4. Ang hukbo ni Datu Ramilon ay di- gaanong malaki gaya ng hukbo ni Datu Sabunan kaya sila nagapi sa labanan. Anong uri ng paghahambing ang nakasalungguhit na salita? a. hambingang palamang c. hambingang pasahol b. hambingang magkatulad d. lahat ng nabanggit 5. Natagpuan ang bangkay nina Kang at Laon na magkayap. Ano ang ipinahihiwatig ng pangyayaring ito? A. Nagpapakita ito ng wagas na pagmamahalan. B. Kahit ang kamatayan ay hindi makapaghihiwalay sa dalawang taong nagmamahalan. C. Nagapi man ni Datu Sabunan ang lahat ay hindi pa rin niya nakuha ang pag-ibig ni Kang na hanggang sa kamatayan ay si Laon lang ang pinakamamahal. D. Lahat ng nabanggit.