Labaw Donggon

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya

ay napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng

maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon

upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong

bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang

magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at

hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang

Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay

Buyung Saragnayan na katulad niya na may kapangyarihan din.

Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung

Saragnayan sa kanya.

“Handa akong kalabanin ka”, sagot ni Labaw kay Saragnayan.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan

ngunit hindi mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang

kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni

Saragnayan. Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at

Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang

kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun.

Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at nagpasya na hanapin

siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nlla na

bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa

pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang katawan ay

nababalutan na ng mahabang buhok.

“Kailangan niyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni

Saragnayan bago ninyo siya labanan!”, sabi ni Labaw sa kanyang dalawang

anak.

“Opo ama”, sagot ni Baranugun. “Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi

kay Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.”Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay

itinatago at pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si

Asu Mangga ay nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo.

Kinain nila ang puso nito na siyang buhay ni Saragnayan.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak

sila sa pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito

nagamit ang pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at pinakain. Inalagaan

nila itong mabuti. Samantala, si Buyung Humadapnon at Buyung

Dumalapdap, mga bayaw ni Ginbitinan ay ikinasal kina Burigadang Pada

Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang

dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang

asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.

“Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki”, sabi ni Labaw

Donggon.

Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa

at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan nito



4. Paano mo ilarawan si Labaw Donggon bilang isang ama at asawa?

Gamitin ang grapikong pantulong sa ibaba upang ipaliwanag ang iyong sagot.

5.Sa iyong palagay, sa paraan ng pagpili ni Labaw Donggon ng mapapang-

asawa makatwiran pa rin ba ito sa kasalukuyang panahon?

Pangatwiranan ang iyong sagot.