Panuto: Magbigay ng pamamaraan kung paano mo maipapakita ang paggalang sa lueyd! opinyon ng ibang tao ayon sa mga sitwasyong nakalahad sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Isang araw habang papasok ka ng paaralan ay may nakita kang grupo ng mga raliyista na nanawagan sa gobyerno upang itaas ang sweldo ng mga ordinaryong manggagawa. 2. Si Kapitan Francisco Almario ay nagtatag ng isang ordinansa na naglalayong lahat ng mga alagang hayop ay hindi na maaaring magpakalat-kalat sa buong barangay ng Santa Barbara 3. Sa kasalukuyan ay talamak na ang polusyon saan man dako, bilang pagtugon dito ay ipinagbawal na sa Lungsod ng Cauayan ang paggamit ng iba't ibang uri ng plastik gaya ng straw, bag at marami pang iba. 4. Sa pagtatapos ng flag ceremony ay nag-anunsiyo ang inyong punong-guro na tatanggalin na sa kantina lahat ng mga panindang hindi masustansiya gaya ng junkfood, juice sa tetra pack, hotdog at marami pang iba. Alam mo sa sarili mo na ito ay ilan lamang sa mga paborito mong kinakain tuwing recess. 5. Sa wakas ikaw ay papasok na ng kolehiyo. Inakala mong matutupad na ang iyong Bhopangarap na maging guro ngunit biglang nagdesisiyon ang iyong mga magulang na dapat ikaw ay maging inhinyero dahil wala pa raw inhinyero sa inyong pamilya, dahil guro na ang nanay at ate mo.