Sagot :
Explanation:
Ang Imperial Diet ay ang pambatasan na katawan ng Holy Roman Empire at teoretikal na nakahihigit sa emperador mismo; kasama dito ang mga posisyon na tinawag na mga prinsipe-halalan na naghalal sa inaasahang emperor. Matapos mapili, ang Hari ng mga Romano ay maaaring makuha ang titulong "Emperor" pagkatapos lamang na makoronahan ng Santo Papa
Sa gitna at kanluraning bahagi ng kontinenteng Europa ay may naitatag na isang imperyo. Ito ang tinaguriang Holy Roman Empire.
Kabilang rito ang iba’t-ibang mga pangkat-etnikong teritoryo ng mga bansang nasasakupan ng kontinente. Ilan sa mga naging kabilang rito ay ang mga kaharian ng Alemanya, Italya, at iba pa.
Sa ilalim ng imperyong ito, ang simbahang katoliko ang ngangasiwa sa mga teritoryo. Ang Santo Papa, na siyang pinakamataas na posisyon sa simbahan, ang may karapatan na mamili kung sino ang maghahari sa kabuuan ng Holy Roman Empire.
Ang mga alituntunin at batas rin sa imperyo ay alinsunod sa mga aral at pangaral ng pananampalatayang Katoliko.