Ang kuta ay salitang tumutukoy sa isang lugar na ginagawang taguan o kampo ng isang tao o grupo ng tao. Ito rin ay maaaring bahay na tinitirhan. Ang salitang kuta ay madalas marinig lalo na noong panahon ng mga Espanyol kung saan maraming mga kuta ang mga Pilipino noong panahon na nilalabanan nila ang mga banyaga.
Ibig Sabihin ng Kuta
Ang kuta ay tumutukoy sa isang lugar na ginagawang taguan o kampo ng isang tao o grupo ng tao.
Ito'y maaaring isang bahay na tinitirhan din.
Sa wikang Ingles, ang kuta ay maaaring tawagin na colony, fortress, hideout, fort.
Halimbawang Pangungusap Gamit ang Salitang Kuta
Narito ang tatlong halimbawang pangungusap gamit ang salitang kuta:
1.Ang bahay ni Melchora Aquino ay ginawang kuta ng mga Katipunero noong panahon ng mga Espanyol.
2.Hindi maaaring malaman ng mga kalaban ang kuta ng ating mga bayani.
3.Ginamit ng mga bayani noon ang kanilang kuta upang magplano, magpahinga, at magsalu-salo.