3 Sa Bukid Ninais ko'y simple lamang na buhay Hindi man napakayaman basta't matiwasay Ibig kong tumira sa gitna ng bukid Na pook na tahimik at may luntiang paligid Dito'y kay gandang pagmasdan ng palay Na tinutukoy na simbolo ng buhay Sariwang prutas iyong matitikman Malinis na tubig ang iyong makikita Asul ang kulay na lubhang kayganda Samyo ng hanging sariwa Walang amoy ng basura Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Tungkol saan ang tula? 2. Saan nais tumira ng nagsasalita sa tula? 3. Ikaw, nais mo rin bang tumira sa bukid? Bakit?