Sagot :
Answer:
Si Heneral Miguel Malvar ay isang mataas na pinuno ng Katipunan. Sya ay isa sa dalawang heneral ng Katipunan na pinakahuling sumuko sa mga Amerikano. Ang isa ay si Heneral Simeon Ola ng Bicol. Sila ay itinuturing na bayani dahil sa kanilang pakikipaglaban sa dayuhan, para sa ating bayan.
Explanation:
Answer:
Si Miguel Malvar ay isang Pilipinong heneral na naglingkod noong Himagsikang ng Pilipinas at kalaunan sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Ginampanan niya ang pamamahala ng panghimagsikang hukbong katihan ng Pilipinas noong huling bahagi ng sigalot pagkatapos sumuko si Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano noong 1901. Ayon sa ilang mga mananalaysay, maaari siyang itala bilang isa mga pangulo ng Pilipinas subalit kasalukuyang hindi kinikilala ng pamahalaan ng Pilipinas.