Panuto: Sino, Alin o Ano ang tinutukoy. Piliin ang mga sagot na nasa loob ng kahon.
17. Sino ang unang ipinadala sa Amerika para sa misyong
pangkalayaan noong 1911?
18. Anong misyon ang ipinadala sa Amerika na pinangunahan nina
Sergio Osmena at Manuel Roxas?
19. Ito ay batas na kahalintulad ng Batas Here Hawes Cutting.
Ipinagtibay ito ng dalawang Amerikano na sina Milliard Tydings at John McDuffie.
20. Sino ang nahalal bilang pangulo ng Kombensyon Konstitusyunal?
21. Anong Saligang Batas ang pinagtibay noong Pebrero 8, 1935?
22. Isang paakaran na naghihigpit sa mga Pilipino na naghihikayat sa
mga Amerikano tungo sa pagtatag ng bagong pamahalaan sa ilalim ng Estados Unidos.
23. Batas na nagsasaad ng pagbabawal ng pagsapi sa mga kilusan na
naglalayon na pabagsakin ang pamahalaan at pagkakakulong ng 20 taon o parusang
kamatayan ang kaparusahan nito
24.Batas na nagpapataw ng parusang kamatayan o matagalang
pagkakabilanggo sa mga Pilipinong nangangampanya ng kalayaan ng Pilipinas mula sa
Estados Unidos.
25. Ito ay ang sapilitang paglipat ng mga mamamayan mula sa mga
liblib na lugar patungo sa lugar na binabantayan ng mga Amerikano.
Batas Brigandage
Manuel L. Quezon
Patakarang Kooptasyon
OS-ROX
Sedition Law
Batas Tydings McDuffie
Batas sa Rekonsentrasyon
Saligang Batas 1935
Claro M. Recto​


Sagot :

Answer:

17. Manuel L. Quezon

18. OS-ROX

19. Batas Tydings McDuffie

20. Claro M. Recto

21. Saligang Batas 1935

22. Patakarang Kooptasyon

23. Batas Brigandage

24. Sedition Law

25. Batas sa Rekonsentrasyon

Explanation:

Itong mga sagot po ay ayon lamang sa aking napag-aralan. Sana po makatulong sa inyo! ^_^