Suriin ang sitwasyong nasa susunod na pahina. Gamit ang formula, kompyutin ang price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng price elasticity ito.


1. Mayroon kang ubo at sipon. Ang gamot na nakagagaling sa iyo ay nagkakahalaga dati ng Php10 bawat isang piraso at bumili ka ng 10 piraso. Ngayon ang presyo ay Php15 bawat piraso. Bumili ka na lamang ng 8 piraso.

2. Sa halagang Php30 ay nakabili ka ng 2 bareta ng nakaugaliang brand ng sabon. Nang bumaba ang presyo nito sa Php25, nakabili ka ng 5 bareta ng sabon.

3. Tumaas ang halaga ng paborito mong fishball mula C.50 tungong Php1 bawat isa. Sa dati mong binibili na 20 piraso, ngayon ay 10 piraso na lamang ang iyong binibili.

4. Si Mang Erning ay may sakit na diabetes. Kailangan niya ng gamot na insulin batay sa takdang dosage na inireseta ng kaniyang doktor. Tumaas ang presyo nito mula Php500 kada 10 ml. vial tungong Php700 bawat 10ml vial. Walang magawa si Mang Erning kundi bilhin ang iniresetang dosage ng doktor.​