1. Sa anong panahon at saan naganap ang kuwento? 2. Ilarawan sina Teñong at Julia at ang kanilang relasyon. 3. Anong dalawang pag-ibig ni Teñong ang humihila sa kaniya sa magkabilang direksiyon? 4. Ano naman ang dalawang tunggalian sa kuwento tungkol sa mga pag-ibig na ito? 5. Paanong maaaring maging talinghagang rebelde ang kuwento nina Teñong at Julia? 6. Noong Panahon ng Amerikano, ano ang nakitang kahulugan ng mga tao sa dulang ito? 7. Sa kasalukuyan, ano ang sinasabi ng dula? 8. Makatarungan ba ang panlilinlang na ginawa nina Teñong para maikasal sila ni Julia? Bakit o bakit hindi? Susunod naman ang isang sipi mula sa Ikalawang Tagpo ng Unang Yugto. Para malasap mo rin ang mga aktuwal na tunog ng dula.