Petsa: 12 Abril, 2020
Ukol sa: OPISYAL NA POSISYONG PAPEL UKOL SA
BUHAY AKADEMIKO SA GITNA NG COVID-19
OUTBREAK
FIDEL R. NEMENZO, DSC
Tsanselor Unibersidad n Pilipinas Diliman
Walang
kahit
anumang
krisis
O
sakuna
ang
makapagpapabago sa tindig ng Konseho g Mag-aaral ng
Kolehiyo ng Edukasyon na ang dekalidad, aksesible,
at
makabayang edukasyon ay karapatan g bawat Iskolar ng Bayan
at mamamayang Pilipino. Ngunit sa panahong kumakaharap ang
buong bayan sa isang pandemiya, naniniwala ang Konseho na
ang kalusugan muna ang kagyat na dapat pagtuunan ng pansin
ng bawat mamamayan. Buhat nang mas lumala ang epekto ng
COVID-19 outbreak sa
iba't ibang
sektor
ng
lipunan,
umaalingawngaw sa sektor ng mga
estudyante
ang mga
panawagan at hinaing ukol sa pagdaraos g mga natitirang araw
ng kasalukuyang semestre. Una na rito ay ang pagsasagawa ng
mga online classes, kung saan naniniwala ang Konseho na ito ay
isang pagsasawalang bahala sa kalagayan ng karamihan sa mga
mag-aaral na walang
device
0 internet connection upang
makapagpatuloy sa klase. Kabila pa ito sa mga isyu sa mental
health na kinakaharap ng mga estudyante sa gitna ng quarantine,
at ang ekonomikong paghihirap na maaari nilang kaharapin sa
mga buwan na magpapatuloy ang quarantine. Hanggang sa
kasalukuyan, naniniwala ang Konseho na ang pagsasagawa ng
online classes ay nararapat lamang na hindi ipagpatuloy, lalo
pa't nasa gitna ng isang krisis pangkalusugan ang bansa.
Batay sa anunsyo ng Office of the Student Regent,
magkakaroon ng pagpupulong ang lahat ng Tsanselor ng bawat
UP unit ukol sa mga usaping akademiko ngayong semestre
bukas, ika-13 ng Abril, bago ito pinal na pagdesisyunan ng
Lupon ng mga Rehente (BOR).
Kaugnay ng mga nasabi, narito ang mga alternatibo na
nakikitang maaaring solusyon ng Konseho at ang mga kaakibat
na rekomendasyon
upang tugunan
ang mga suliraning
kinahaharap n kasalukuyang semester:
1. Tapusin ang semestre at magsagawa ng mass promotion
2. Pansamantalang ipatigil ang semestre at manumbalik sa
oras na maaari na ang lahat.
Babangon tayo! Lalaban tayo! Susulong tayo!
Posisyong Papel mula sa UP-College Sudent
Suriin ang halimbawa ng posisyong papel na ipinakita sa itaas.
Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.
I. PANIMULA
I. PAGLALAHAD NG COUNTERARGUMENT O MGA
ARGUMENTONG TUMUTUTOL O KUMUKUNTRA
SA IYONG TESIS
MI. PA GLALAHAD NG IYONG POSISYON O
PANGANGATWIRAN SA ISYU
IV. KONKLUSYON